Thursday, December 12, 2013

letter103

Nakakalungkot...
Alam mo kung bakit?
Kailangan ko pa kasing mag-antay ng isa pang araw at pagkatapos noon, hindi ko pa sigurado kung madadagdagan pa ulit ng isa pang araw. Pakiramdam ko ang bagal bagal ng oras pero hindi naman talaga. Minsan akala natin ang bagal bagal ng oras lalo na kung ikaw ang nag-aantay...

Nakakainip... sobra...
Pero alam mo iyong masayang part dun? Iyong oras na dumating na iyong inaantay mo, kumbaga eh sulit talaga.

us...


I miss holding his hands...
We are not perfect...
We argue most of the time because of differences.
But this always made me realize that he loves me and i love him...
Hoping that whatever happens in the future even distance separate us,
we will still be holding each other hands.

Sunset


Novermber 29, 2013
Kahit na makulimlim nagkaroon pa rin kami ng chance ng mahal ko na mapanood iyong sunset sa Manila bay.

note: wish list #6 done... =)

Saturday, May 11, 2013

letter102

Hindi ako makatulog...
Alam ko sabi ko sayo matutulog na ko kaso hindi talaga ako dalawin ng antok.

Naisip kasi kita...
Tayo...

Alam ko madalas dinadaan ko sa biro lahat, at may time na naiinis ka dahil dun.
Sorry ah, iyon lang kasi ang way ko para hindi naman masyadong madrama.
Para naman hindi ako maiyak. Oo alam ko o.a kaso ganun ako eh. Iyakin...

Ikaw iyong weakness ko eh...
Kahit anong sabihin mo apektado ako, maganda man o hindi.
Kahit na may pagkabaliw baliw naman ako seryoso ako pagdating sayo...

Hindi ko alam kung tulad sa mga fairytales eh magkakaroon ba tayo ng happily ever after.
Alam ko naman kasi na masyado pang maaga para sabihin iyon.
Nagsisimula palang tayo eh, pero sana naman magtiwala ka lang sakin.
Kapit ka lang ng mahigpit.
Magtutulungan naman tayo diba?

Hindi naman ako naghahangad ng higit pa sa kung anong meron ako.
Gusto ko lang naman na magkaroon ng masayang buhay, kumpletong pamilya na kasama ka at ikaw iyong asawa ko. Hindi ba pwedeng tuparin mo naman iyong pangarap ko?

Mahal kita...

Letter101

Una sa lahat, hindi sa huli...
Thank you...
Kasi dumating ka sa buhay ko... (naks naman)
Kasi mas lalo mong nilagyan ng kulay ang mundo ko...

Masaya naman ako dati, mas masaya nga lang kasi andyan kana...
Hindi ako perpektong tao, hindi ko rin alam kung magiging mabuting gf ako sayo.
Hindi ko kayang ipangako na hindi kita masasaktan kasi may mga pagkakataong kahit na hindi ko sinasadya eh masasaktan kita.
Kung mapaiyak man kita sisiguraduhin ko na dahil iyon sa sobrangs saya.

Pwedeng bukas makalawa magbago ako o iyong nararamdaman ko para sayo, pero tandaan mo lang na kung may magbabago man hindi iyon dahil nabawasan iyong pagmamahal ko para sayo, kung hindi dahil habang tumatagal mas lalong nadaragdagan.

Mahal kita at walang kahit na anong bagay ang makakabago noon.
Sobrang cheesy na...hehehe

ILOVEYOU...

Ikaw

Noong unang nagtxt ka sakin kung tanda mo pa, eh wala talaga akong idea kung sino ka. Hindi ko alam kung saang planeta ka ba galing at anong masamang hangin ang umihip sayo at naisipan mo akong pag-aksayahan ng oras. Kung tutuusin ni hindi ko nga naisip na magkakaroon ng "tayo". Kasi pakiramdam ko pang miss universe ang standard mo sa babae. At ni katiting na criteria nila eh wala naman ako. Nayayabangan pa nga ako sayo. Haha...

Wala nga akong balak magbf eh, sabi ko nga sayo diba? Ayokong mang-iwan. Ayoko noong pakiramdam na maghihintay na nman ako lalo na kung walang kasiguraduhan. Sana'y na naman akong masaktan, di ko lang talaga gusto iyong pakiramdam na binabalewala. Iyong unti-unting pinaparamdam sakin iyong salitang goodbye. Pero habang tumatagal kahit anong kontrol iyong gawin ko sa sarili ko, unti-unti napapamahal kana sakin. Gusto ko iyong pakiramdam na napapangiti kita kasi iyon ung isang bagay na nagpapasaya din sakin. Iyong marinig ko lang iyong tawa mo pakiramdam ko tumama na ako sa lotto. Sabi ko nga sayo diba? hindi ikaw iyong ideal guy para sakin, not even the perfect guy o iyong sinasabi nilang mr.right. Basta ang alam ko ikaw ung mr. ewan sa buhay ko ngayon. 

Kung tutuusin nga ayoko talaga ng malapit lang, tsaka same ng school. Madalas ko pa nga sabihin sa iba na layo layo naman..hahahaha Pero ako mismo kinain ko lahat ng sinabi ko.

Wala ka sa plano...
Wala din sa plano kong mahalin ka pero minahal kita.

Minsan talaga ang love dumarating sa hindi mo inaasahang pagkakataon...
Parang ikaw...