Una sa lahat, hindi sa huli...
Thank you...
Kasi dumating ka sa buhay ko... (naks naman)
Kasi mas lalo mong nilagyan ng kulay ang mundo ko...
Masaya naman ako dati, mas masaya nga lang kasi andyan kana...
Hindi ako perpektong tao, hindi ko rin alam kung magiging mabuting gf ako sayo.
Hindi ko kayang ipangako na hindi kita masasaktan kasi may mga pagkakataong kahit na hindi ko sinasadya eh masasaktan kita.
Kung mapaiyak man kita sisiguraduhin ko na dahil iyon sa sobrangs saya.
Pwedeng bukas makalawa magbago ako o iyong nararamdaman ko para sayo, pero tandaan mo lang na kung may magbabago man hindi iyon dahil nabawasan iyong pagmamahal ko para sayo, kung hindi dahil habang tumatagal mas lalong nadaragdagan.
Mahal kita at walang kahit na anong bagay ang makakabago noon.
Sobrang cheesy na...hehehe
ILOVEYOU...
No comments:
Post a Comment