Saturday, May 11, 2013

Ikaw

Noong unang nagtxt ka sakin kung tanda mo pa, eh wala talaga akong idea kung sino ka. Hindi ko alam kung saang planeta ka ba galing at anong masamang hangin ang umihip sayo at naisipan mo akong pag-aksayahan ng oras. Kung tutuusin ni hindi ko nga naisip na magkakaroon ng "tayo". Kasi pakiramdam ko pang miss universe ang standard mo sa babae. At ni katiting na criteria nila eh wala naman ako. Nayayabangan pa nga ako sayo. Haha...

Wala nga akong balak magbf eh, sabi ko nga sayo diba? Ayokong mang-iwan. Ayoko noong pakiramdam na maghihintay na nman ako lalo na kung walang kasiguraduhan. Sana'y na naman akong masaktan, di ko lang talaga gusto iyong pakiramdam na binabalewala. Iyong unti-unting pinaparamdam sakin iyong salitang goodbye. Pero habang tumatagal kahit anong kontrol iyong gawin ko sa sarili ko, unti-unti napapamahal kana sakin. Gusto ko iyong pakiramdam na napapangiti kita kasi iyon ung isang bagay na nagpapasaya din sakin. Iyong marinig ko lang iyong tawa mo pakiramdam ko tumama na ako sa lotto. Sabi ko nga sayo diba? hindi ikaw iyong ideal guy para sakin, not even the perfect guy o iyong sinasabi nilang mr.right. Basta ang alam ko ikaw ung mr. ewan sa buhay ko ngayon. 

Kung tutuusin nga ayoko talaga ng malapit lang, tsaka same ng school. Madalas ko pa nga sabihin sa iba na layo layo naman..hahahaha Pero ako mismo kinain ko lahat ng sinabi ko.

Wala ka sa plano...
Wala din sa plano kong mahalin ka pero minahal kita.

Minsan talaga ang love dumarating sa hindi mo inaasahang pagkakataon...
Parang ikaw...


No comments:

Post a Comment