Hindi ako makatulog...
Alam ko sabi ko sayo matutulog na ko kaso hindi talaga ako dalawin ng antok.
Naisip kasi kita...
Tayo...
Alam ko madalas dinadaan ko sa biro lahat, at may time na naiinis ka dahil dun.
Sorry ah, iyon lang kasi ang way ko para hindi naman masyadong madrama.
Para naman hindi ako maiyak. Oo alam ko o.a kaso ganun ako eh. Iyakin...
Ikaw iyong weakness ko eh...
Kahit anong sabihin mo apektado ako, maganda man o hindi.
Kahit na may pagkabaliw baliw naman ako seryoso ako pagdating sayo...
Hindi ko alam kung tulad sa mga fairytales eh magkakaroon ba tayo ng happily ever after.
Alam ko naman kasi na masyado pang maaga para sabihin iyon.
Nagsisimula palang tayo eh, pero sana naman magtiwala ka lang sakin.
Kapit ka lang ng mahigpit.
Magtutulungan naman tayo diba?
Hindi naman ako naghahangad ng higit pa sa kung anong meron ako.
Gusto ko lang naman na magkaroon ng masayang buhay, kumpletong pamilya na kasama ka at ikaw iyong asawa ko. Hindi ba pwedeng tuparin mo naman iyong pangarap ko?
Mahal kita...
No comments:
Post a Comment